Water level sa Angat dam bumaba pa; nasa 160.73 meters na lang ayon sa PAGASA
Naabot na ng Angat dam ang 160-meter level matapos muling mabawasan ang antas ng tubig nito sa nakalipas na 24 na oras.
Sa datos ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ng Huwebes, June 20, nasa 160.73 meters ang water level ng dam.
Malaki-laki ang nabawas mula sa 161.30 meters na water level nito, Miyerkules ng umaga.
Ang La Mesa dam naman ay nasa 68.49 meters ang water level. Habang ang Ipo dam ay nasa 100.43 meters.
Nabawasan din ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.
Habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig sa Ambuklao dam.
Una nang sinabi ng National Water Resources Board (NWRB) na kapag umabot na sa 160 meters ang Angat dam ay maituturing na itong critical level at babawasan pa lalo ang alokasyon ng tubig para sa domestic use.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.