MWSS dapat magpaliwanag sa sitwasyon ng tubig sa Metro Manila

By Erwin Aguilon June 13, 2019 - 10:41 AM

Nais ni House Minority Leader Danilo Suarez na magpaliwanag ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa sitwasyon ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Ayon kay Suarez, nagtataka siya kung bakit kung kailan nagsimula na ang pag-ulan nararanasan pa rin ang water shortage.

Dahil dito, kinalampag ni Suarez ang MWSS at mga water concessionaires na magpaliwanag sa publiko at tugunan sa lalong madaling panahon ang nasabing problema.

Nauna dito ay inadopt ng Kamara ang House Resolution 2592 na humihikayat sa MWSS at iba pang kaukulang ahensya na madaliin ang mitigation ng krisis sa tubig at tiyakin ang ligtas at stable na suplay ng tubig sa bansa.

Matatandaang unang quarter ng 2019 ay nakaranas ng matinding krisis sa tubig ang maraming lugar sa Metro Manila bunsod umano ng kakulangan sa suplay ng tubig.

TAGS: mwss, Rep. Danilo Suarez, water shortage, Water supply, mwss, Rep. Danilo Suarez, water shortage, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.