Utos ni Pangulong Duterte na maglabas ng tubig sa Angat Dam hindi “doable” ayon sa MWSS
Malabong maipatupad ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng mas maraming tubig mula sa Angat Dam.
Ito ang nagkakaisang pahayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at ng dalawang water concessionares na Manila Water at Maynilad Water Services sa gitna ng nararanasang kakapusan sa water supply.
Ayon kay MWSS chief Reynaldo Velasco nakapag-release na ng 4,000 million liters per day na tubig sa La Mesa Dam.
Kinumpirma naman ni Manila Water Communications Planning and Tactical Development Manager Dittie Galang na binuksan na ang aqueducts na maghahatid ng tubig sa La Mesa Dam mula sa Angat Dam na magbibigay naman ng tubig sa kanilang mga kostumer.
Aniya, “in full capacity” na ang kanilang mga aqueducts at hindi umano niya alam kung ano pa ang nais na gawin base sa kautusan ni Pangulong Duterte.
Ipinaliwanag naman ni Maynilad Corporate Communications Head Jenny Rufo na may mga “infrastructure limitations” kaya hindi maaaring ipatupad ang utos ng Malacanang na dagdagan ang inilalabas na tubig mula sa Angat Dam.
Kahapon, iniutos ni Pangulong Duterte sa MWSS na obligahin ang Maynilad Water Services at Manila Water Company na mag-release ng tubig mula sa Angat Dam na sapat sa loob ng 150 araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.