Itinatayong treatment plant ng Manila Water sa Rizal matagal pa bago maging fully-operational

By Dona Dominguez-Cargullo March 11, 2019 - 10:49 AM

Matatagalan pa bago mapakinabangan ng buo ang treatment plant ng Manila Water sa Cardona, Rizal.

Ayon kay Manila Water Communications Manager Dittie Galang, sumasailalim pa sa pagsusuri ang itinatayong treatment plant.

Ang nasabing water treatment plant ay kukuha ng suplay ng tubig sa Laguna Lake at inaasahang makadaragdag sa suplay ng tubig sa Metro Manila at mga bayan sa Rizal.

Sinabi sa Radyo Inquirer ni Galang na bagaman sa mga susunod na linggo ay maari nang maumpisahan ang operayson nito ay matatagalan pa bago ito maging fully-operational.

Aminado ang Manila Water na aabutin pa ng ilang taon bago tuluyang magkaroon ng ibang pagkukuhanan ng tubig ang Metro Manila at Rizal maliban sa La Mesa Dam na tanging source nito ng tubig sa kasalukuyan.

TAGS: Radyo Inquirer, Water supply, water treatment plant, Radyo Inquirer, Water supply, water treatment plant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.