Pinagkukunan ng tubig sa mga temporary shelter sa Albay, kontaminado

By Dona Dominguez-Cargullo February 02, 2018 - 09:10 AM

Aabot sa 30 mula sa 60 water supply sources sa mga temporary shelter sa lalawigan ng Albay ang kontaminado na.

Ayon kay Engineer William Sabater ng sanitation department, sa isinagawa nilang pagsusuri sa water samples sa mga temporary shelter, positibo sa fecal contamination ang tubig.

Ang iba naman nagpositibo sa total coliforms o bacteria mula sa animal o human waste.

Nakapagtala na ang provincial health office sa Albay ng 25 evacuees na nakaranas ng diarrhea, anim sa kanila ay mga bata na pansamantalang naninirahan sa San Jose Elementary School.

Dahil dito, patuloy ang paalala ng lokal na pamahalaan sa mga bakwit na ang inumin lamang ay ang mga delivered water habang ang tubig na nakukuha mula sa water supply sources ay gamitin na lang sa pagligo, paglalaba at iba pang domestic purposes.

Una rito, iniutos ng Malakanyang na madaliin ang pagtatayo ng dagdag na 600 restrooms at 200 temporary learning centers para sa mahigit 84,000 na evacuees.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Albay, evacuation centers, Water supply, Albay, evacuation centers, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.