Depektibong wiring ang itinuturong dahilan ng sunog na naganap sa isang ospital sa South Korea na nagresulta sa pagkasawi ng 38 katao at pagkasugat ng mahigit 150 iba pa.
Kabilang sa nasawi sa nasabing ospital sa Miryang, South Korea ang 35 pasyente at tatlong staff ng ospital.
Ayon sa mga opisyal, sa isinagawa nilang preliminary on-site inspection sa pagamutan, maaring ang depektibong wiring sa first-floor ceiling ang pinagmulan ng apoy.
Sa kabila nito, patuloy pa ang pagsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon at sisiyasatin ang wirings sa lahat ng kisame sa ospital.
Dahil hindi naman kalakihan ang ospital, wala itong fire sprinklers.
Noong Linggo, isang memorial ang isinagawa sa gymnasium ng lungsod para sa mga biktima na dinaluhan ng mahigit 3,000 katao.