Ginunita ngayong araw sa Camp Crame ang ika-27 founding anniversary ng Philippine National Police (PNP).
Guest of honor sa selebrasyon si Department of Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Eduardo Año.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na dapat natuto na ang pambansang pulisya sa mga pagkakamali sa nakaraan at maging maingat na sa mga operasyon at sa iba pa nilang trabaho.
Ipinaalala naman ni Año sa mga pulis na ang pagbibitbit ng baril na mayroong mga bala ay malaking responsibilidad.
Sa nasabing pagdiriwang, binigyang pagkilala ni Año sina PNP-AKG Supt. Arthur Masungsong at si PO3 Arthur Bocaig na kapwa nasawi habang ginagampanan ang tungkulin.
Si Masungsong ay nasawi sa operasyon ng anti-kidnapping group ng PNP habang si Bocaig ay nasawi nang pasabugan ng granada ang selebrasyon ng fiesta sa La Paz, Benguet.