Ayon kay Taguig Mayor Lani Cayetano na tubong Albay din, kabilang sa naturang halaga ang 3,000 relief goods na naglalaman ng canned goods, bigas, face masks at hygiene kits.
Sinimulan din ng lungsod ang pagsasagawa ng medical mission sa Bagumbayan Central School sa lungsod ng Legazpi na nagbigay ng libreng check up at gamot sa mga pamilyang kasalukuyang namamalagi sa evacuation center.
Ipagpapatuloy ang naturang medical mission sa bayan ng Sto. Domingo ngayong araw ng Lunes.
Ayon kay Cayetano, umaasa siya na sa pamamagitan ng simpleng tulong na handog ng kanyang lungsod ay makapagbibigay sila ng pagmamahal at pag-asa sa mga residente.
Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagbigay ng calamity assistance fund ang lungsod sa ibang lugar matapos din silang magbigay sa mga naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa Visayas at sa giyera sa Marawi City.