Sa isang Twitter post ni Paris Mayor Anne Hidalgo, sinabi nito na kaisa ng mga Afghan nationals ang mga Parisians sa kanilang pagdadalamhati matapos ang isinagawang terrorist attack.
Mahigit 95 katao ang napatay, habang sugatan naman ang 158 na iba pa, matapos pasabugin ng isang suicide bomber ang kanyang minamanehong ambulansya sa isang checkpoint.
Nauna nang kinundena ng Foreign Ministry ng France ang naturang pag-atake.
December 29, 2017 nang huling patayin ang ilaw ng Eiffel Tower dahil naman sa isa pang suicide bombing na tinarget ang mga Shiites sa Kabul.