India, magpapadala ng mga eksperto upang pag-aralan ang pagpapababa ng gamot sa bansa

 

Nangako ang pamahalaan ng India na magpapadala sila ng mga pharmaceutical experts sa bansa ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Aniya, ito ay upang matulungan ang Pilipinas sa pagpapababa ng halaga ng mga gamot sa merkado.

Isa aniya ito sa mga napag-usapan sa pagpunta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa New Delhi para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) – India Commomorative Summit.

Noong Nobyembre pa lamang ng nakaraang taon ay nagpahayag na si Pangulong Duterte kay Indian Prime Minister Narendra Modi na malugod na tatanggapin ng bansa ang mga investments mula sa India na magdadala ng murang gamot sa Pilipinas.

Nauna nang sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na ginarantiya ng siyam na mga Indian companies mula sa renewable energy, wellness, pharmaceutical, at information technology-business process management sector ang $1.25 bilyon o halos P64 na investment sa bansa.

Read more...