1-M reward ibibigay sa makapagtuturo sa pasimuno ng pagpapasabog sa La Paz, Abra

 

May inilaan na 1 milyong pisong pabuya si Abra Lone District Representative JB Bernos para sa kung sino man ang makakapagturo sa kinaroroonan ng nasa likod ng pambobomba sa La Paz noong Huwebes.

Kabilang si Bernos at ang kanyang asawa na si La Paz Mayor Menchie Bernos sa mga nasugatan dahil sa naturang insidente.

Habang namatay naman ang dalawang pulis dahil dito.

Ani Bernos, kailangang mahuli ng buhay ang suspek upang malaman na kung ano ang kanyang motibo sa pambobomba.

Kaya naman hinimok ni Bernos ang kanyang mga kapwa Abreños, maging ang buong Pilipinas na ipagbigay alam sa mga otoridad ang kinaroroonan ng responsable sa pag-atake

Pagbabanta pa ni Bernos, bilang na ang mga araw ng kung sino man ang nagpasabog sa kanilang mapayapang lugar.

Pagtitiyak naman ni Bernos sa mga biktima, makakamit rin nila ang hustisya.

Read more...