Bilang ng mga residenteng tinamaan ng ARI, halos 2,000 na

Papalo na sa halos 2,000 residente sa Albay ang tinamaan ng Acute Respiratory Infection (ARI).

Ito ay dahil sa ashfall na ibinubuga ng nag-aalburutong Bulkang Mayon.

Base sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa mahigit 500, pumalo na sa halos 2,000 pasyente ang tinamaan ng naturang sakit.

Samantala, halos 500 evacuees naman ang tinamaan ng lagnat habang halos 300 ang tinamaan ng Hypertension.

Aabot sa 150 katao ang nasugatan at mahigit 100 ang nakaranas ng pagtatae.

Read more...