Halaga ng pinsala sa mga pananim sa Albay, aabot na sa higit P200M

Tinatayang P189.4 milyon na ang kabuuang halaga ng pinsala ng mga pananim sa probinsya ng Albay.

Ito ay bunsod ng nagpapatuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 8:00 Linggo ng umaga, aabot na sa P181,382,970 ang halaga ng sirang pananim sa bigas, P7,573,696 sa mais at P478,000 sa abaca.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, 70 porsyento ng palayan ang nasira sa paligid ng Mayon.

Nakatakda namang bumiyahe si Piñol sa Albay ngayong Linggo ng hapon para alamin ang pinsala sa lugar at kung ano ang maaaring irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na solusyon dito.

Nakahanda na rin aniya ang P1 bilyong quick reaction fund ng kagawaran para tulungan ang mga apektadong magsasaka.

Read more...