Pahayag ito ni Andanar sa gitna ng panawagan ng publiko na magbitiw na si Uson sa kanyang puwesto.
Ayon kay Andanar, nagkamali si Uson at hindi naman nito sinasadya ang mistulang paglilipat ng lugar sa bulkan.
Iginiit pa ni Andanar na hindi naman matatawaran ang dedikasyon ni Uson na sa pagbibigay-serbisyo sa gobyerno at sa publiko.
Gayunman, agad namang nilinaw ni Andanar na karapatan ng bawat isa na magpahayag ng kanilang saloobin at manawagan ng pagbibitiw ni Uson.
Una nang humingi ng paumanhin si Uson matapos mag-viral sa internet dahil sa maling pahayag na nasa Naga na ang Bulkang Mayon.