Sa panayam ng Raqdyo Inquirer, sinabi ni Cong. Roger Mercado, chairman ng House Committee on Constitutional Amendment na ito ang napagkasunduan ng mga kongresista matapos ang ginawang pag-uusap nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Senate President Koko Pimentel para talakayin kung joint o separate voting ang gagawin sa pag-amyenda sa Saligang batas.
Sinabi pa ni Mercado na ito ang magiging basehan para magkaroon ng katanggap-tanggap na proposisyon sa ChaCha sa pamamagitan ng Constituent Assembly.
Pag-uusapan muna aniya kung anong mga article sa Saligang batas ang kinakailangan na bigyang-prayoridad ng pag-aaral.