Nagbabala ang dalawang pinakamalaking ATM makers na Diebold Nixdorf Inc. at NCR Corp. laban sa mga cyber criminals na target pwersahing ilabas ang mga pera sa U.S. cash machines sa pamamagitan ng hacking scheme na “jackpotting.”
Batay sa ulat ng security news website na Krebs, nagsimula ang naturang pag-atake noon pang nakaraang taon sa Mexico.
Kinumpirma naman ito ng dalawang kumpanya.
Wala pa namang tinukoy ang ATM makers na biktima nito o magkano na ang nailabas sa ilang ATM.
Gayunman, inalerto na ng dalawang kumpanya ang kanilang mga kliyente.
MOST READ
LATEST STORIES