Magnitude 4.9 na lindol, tumama sa Surigao del Sur

Photo credit: Phivolcs

Niyanig ng 4.9 magnitude na lindol ang Surigao del Sur kaninang 10:19, Linggo ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol sa Eastern side ng Marihatag, Surigao del Sur.

Naramdaman ang intensity 2 sa Bislig City.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa lindol.

Samantala, sinundan ito ng magnitude 3.8 na may lalim na 8 kilometers bandang 10:30 ng araw.

Read more...