Hindi nagpadala sa dalawang naunang pagkatalo sa Australian Open si Caroline Wozniacki kaya naman ngayon ay masaya niyang naiuwi ang kanyang unang Grand Slam singles title.
Tinalo ni Wozniacki sa finals ng Australian Open si Simona Halep sa iskor na 7-6, 3-6, at 6-4.
Bilang pagpapakita ng kanyang sportsmanship ay matapos ang pagkapanalo ay humingi pa ito ng paumanhin kay Halep.
Aniya, matagal na niyang pinapangarap na makamit ang Grand Slam title at tila isa itong ‘dream come true’ para sa kanya.
Dagdag pa nito, sigurado siyang magkakaroon pa ng mas maraming oportunidad para sila ay muling magharap ni Halep.
Ayon naman kay Halep, mahirap para sa kanya ang maglaro lalo na’t mayroon siyang ankle injury. Bagaman malungkot dahil natalo, ay sinabi nito na mismong siya ay nakapansin na mas maganda ang laro ni Wozniacki kaysa sa kanya.