Ngayong Lunes na ibabalik ang naturang ‘anti-drug operation’ na ginawan na ng mas mahigpit na panuntunan upang maiwasan na ang pagdanak ng dugo.
Ilan sa mga bagong ‘guidelines’ ay ang pagsusuot ng body cameras ng mga pulis at pagsasagawa lamang ng Tokhang tuwing alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon kada araw maliban sa weekends.
Ayon kay Davao Archbishop Romulo Valles, nawa’y sumunod sa tamang mga panuntunan ang pulisya sa pagganap sa kanilang tungkulin.
Hangga’t maaari anya ay maiwasan sana ang pagdanak ng dugo sa mga gagawing operasyon.
Nanawagan din ang pangulo ng CBCP sa mga mamamayan na ipanalangin ang pulisya at mahimok na gawin ang tamang proseso sa pag-aresto ng mga taong pinaniniwalang lumabag sa batas.