Pagsibak sa ilang pulis, pinag-aaralan ni Duterte

INQUIRER File Photo

Pinag-aaralan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyong pagsibak sa ilang mga pulis, kabilang tatlong opisyal ng Philippine National Police.

Sinabi ni Duterte na bilang abogado, nire-review niya muna ang rekomendasyon. Aniya, linakailangang maging maingat sa pagsibak, lalo na sa may mataas na ranggo.

Noong nakalipas na dalawang linggo, inanunsyo ng pangulo ang planong pagsibak sa isang opisyal ng gobyerno, at ilang mga pulis kabilang ang tatlong heneral dahil umano sa katiwalian.

Ilang araw makaraang ianunsyo ni Duterte ito, nagbitiw naman si Patricia Licuanan bilang pinuno ng Commission on Higher Education.

Ayon kay Licuanan, nagbitiw siya sa pwesto makraang makatanggap ng tawag mula sa MalacaƱang.

Hindi naman tinukoy ni Duterte kung si Licuanan ang kanyang pinatungkulan noon habang wala pang anunsyo ang MalacaƱang ukol sa planong pagsibak sa ilang pulis.

Read more...