Sen. De Lima gustong magkaroon ng independent COMELEC field offices

Naghain ng panukalang batas si Senadora Leila De Lima na nagpoprotekta sa Commission on Elections (COMELEC) field offices mula sa ‘undue influence.’

Sa isang pahayag, sinabi ni De Lima na siya ring pinuno ng Senate Electoral Reforms and People’s Participation Committee na sa pamamagitan ng Senate Bill No. 1666 o Comelec Independent Offices Act na nagpapawalang bisa sa Omnibus Election Code of the Philippines, ay magkakaroon ng sariling field offices ang COMELEC.

Ibig sabihin, hindi ang lokal na pamahalaan ang maglalaan ng lugar para sa COMELEC field offices, kundi ang mismong national level COMELEC.

Ani De Lima, sa ilalim ng kasalukuyang batas ay mayroong direktang impluwensya ang mga Local government units (LGUs) sa operasyon ng COMELEC na taliwas sa nature ng kagawaran na dapat ay isang independent Constitutional commission.

Dagdag pa ni De Lima, kailangang pasok sa pondo ng COMELEC ang paglalaan ng mga field offices nito.

Aniya pa, dapat sa loob ng limang taon simula nang maisabatas ang panukala ay dapat mailipat na ang lahat ng COMELEC field offices.

Read more...