Ilang U.S Military officials ini-imbestigahan dahil sa Casino at Adult entertainment

pentagon
The Pentagon

Kinumpirma ng Pentagon na iniiimbestigahan ng kanilang Inspector General ang ilan sa mga matataas na opisyal ng U.S Military dahil sa hinala na ginamit ang kanilang pondo para sa personal na paglalaro ng Casino at pagpapa-sarap sa ilang mga Strip Joints.

Noong nakalipas na buwan ay nabisto ng Defense Department na ilan sa kanilang mga Intelligence Personnel ang gumamit ng pondo ng kanilang mga opisina sa paglalaro ng Casino at party sa ilang Adult entertainment centers sa ibat-ibang panig ng daigdig.

Sa taong kasalukuyan lamang ay sinasabing umaabot sa $952,258 na bahagi ng pondo ang nagastos sa pagka-casino ng ilang opisyal samantalang $96,576 naman ang ipinambayad sa ilang night spots kabilang na ang ilang prostitutes bilang bahagi raw ng kanilang “intelligence gathering”.

Gustong malaman ng Pentagon kung talagawang nagamit sa tamang paraan ang nasabing mga pondo o ginamit lamang sa personal na pagpapasarap ng ilang Military officials.

Isang tauhan ng U.S Air Force ang sinibak sa puwesto kamakailan makaraang mapatunayan na gumastos siya ng $4,686 sa Sapphire Gentlemen’s Club sa Las Vegas gamit ang pondo ng kanyang opisina.

Ilang mga pangalan na rin ang hawak ngayon ng Inspector General at sumasailalim na ang mga ito sa isang malalimang imbestigasyon.

Ang U.S Defense Department ay mayroong 1.6 million na card holders sa ibat-ibang panig ng daigdig.

Ang bawat card ay may direktang access sa pondo ng Defense Department na umaabot sa $3.3Billion para sa taong kasalukuyan.

Ginagamit ang bawat card para sa travel-related expenses ng mga opisyal at sa pag-ganap ng kanilang mga tungkulin na itina-takda ng U.S Federal Government.

Read more...