Ginagawa ng gobyerno ang lahat para matiyak na magkaroon ng malakas na purchasing power ang mamamayan sa kabila ng malikot na inflation rate sa bansa.
Sinabi ito ng Malacanang matapos lumabas sa survey ng Pulse Asia na ang inflation at pasahod sa manggagawa ang mga pangunahing concerns o inalala ng mga pilipino.
Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma Jr., ginagawa ng gobyerno ang lahat ng dapat gawin para makasunod o makasabay sa inflation rate ang nakukuhang sweldo lalo na ng mga ordinaryong manggagawa.
Sa ngayon kasi aniya ay nasa pinakamababang antas nito ang inflation rate sa 1.2%. Pero sinabi ni Coloma na batay din sa Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia ay nasa 64% sa ating mga kababayan ang satisfied sa performance ni Pangulong Aquino at 22% lamang ang hindi.
Paliwanag pa ni Coloma, kahit pa mayroong mga specific concerns ang sambayanan ay dalawa sa bawat tatlong pinoy pa rin ang nagasasabing kuntento sila sa performance ni Pangulong Aquino.