P7.2M shabu mula Malaysia, kinumpiska ng PDEA sa buy-bust ops

Photo courtesy of Inquirer.net

Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang lalaking hinihinalang nagtutulak ng ishabu mula Malaysia.

Timbog ang dalawa sa isang buy-bust operation sa Fairview, Quezon City.

Nakilala ang mga suspek na magkapatid na sina Aburasid at Abdul Aziz Jaman Asaali.

Nakumpiska sa dalawa ang humigit-kumulang isang kilo ng shabu. Nagkakahalagang P7.2 milyon ito.

Napag-alamang ang shabu ay ipinuslit mula Malaysia at idinaan sa bahagi ng Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Read more...