Lalaki patay sa pamamaril sa North Caloocan

Photo courtesy of Bernard Ariate

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong walang habas na pagbabarilin sa kahabaan ng Langit Road sa Barangay Bagong Silang, North Caloocan.

Kinilala ang biktima na si Roberto Alarcon, 50 taong gulang at isang tricycle driver sa lugar. Nang ito ay matagpuan ay nakahandusay ito sa tabi ng kanyang minamanehong tricycle.

Ayon sa mga otoridad, lumabas sa kanilang imbestigasyon na dalawang hindi pa nakikilalang mga salarin na sakay ng isang motoriklo ang nasa likod ng pamamaril. Sinabayan umano ng mga suspek si Alarcon bago pagbabarilin. Matapos ang krimen ay kaagad na tumakas ang mga suspek.

Hindi bababa sa 8 basyo ng kalibre cuarenta y singkong baril at 9mm pistol ang narekober mula sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy naman ang imbestigasyon tungkol sa pamamaslang, partikular na ang motibo dito at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Ayon naman sa mga kamag-anak ni Alarcon, mayroon itong nakaaway na isa sa mga tinitingnang anggulo sa pamamaslang.

Read more...