95 katao patay, mahigit 158 sugatan sa suicide bombing sa Afghanistan

Courtesy: AP

Patay ang hindi bababa sa 95 katao habang sugatan ang mahigit 158 iba pa sa suicide bombing sa Kabul, Afghanistan.

Ayon kay Nasrat Rahimi, deputy spokesperson ng Interior Ministry, ginamit ng suspek ang isang ambulansya para makalagpas sa isang security checkpoint. Sinabi ng suspek sa mga pulis na may itatakbo siyang pasyente sa isang ospital.

Pagdating sa ikalawang checkpoint, pinasabog na nito ang kanyang bomba.

Naganap ang insidente malapit sa dating gusali ng Interior Ministry, at malapit din European Union at Indian consulates.

Inako ng militanteng grupong Taliban ang insidente.

Noong nakalipas na linggo lamang, inatake ng Taliban isang hotel kung saan 22 katao ang nasawi.

 

Read more...