Mga turista na nais masaksihan ang nag-aalburotong Mayon, patuloy na dumadayo

Mas maraming turista ang dumayo sa lalawigan ng Albay para masaksihan ang ganda ng Bulkang Mayon sa gitna ng pag-aalburoto nito.

Sa tala ng Albay Tourism Office, P5 milyon ang kinita ng lalawigan sa nakalipas na dalawang linggo.

Nabawi ng hotels ang 10% ng hotel bookings na kinansela dahil sa pag-aalburoto ng bulkan mula sa walk-in guests.

Bumisita naman ang 19,000 turista sa makasaysayang Cagsawa Ruins ngayong buwan pa lamang. Mas mataas ito nang 25% kung ikukumpara sa nakalipas na taon.

Nanatili naman sa Alert Level 4 ang Bulkang Mayon.

Read more...