Gadon, desperado nang patalsikin sa pwesto si CJ Sereno – Deinla

Minaliit ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang kasong kriminal na isinampa ni Attorney Larry Gadon.

Ipinahayag ng abogado ni Sereno na si Jose Deinla na desperado na si Gadon sa pagpapatalsik sa punong mahistrado. Katawa-tawa rin aniya ang hakbang nito.

Dagdag ni Deinla, kinasuhan ni Gadon si Sereno para lamang makuha ang atensyon ng publiko sa patuloy na impeachment proceedings dahil unti-unti na aniyang nawawalan ng interes ang publiko rito.

Sinabi ni Deinla na gawa-gawa lamang ang mga akusasyon ni Gadon laban sa punong-mahistrado para sa hindi makatarungang pagsibak sa kanyang pwesto.

Aniya, walang batayan ang reklamo ng abogado.

Kinasuhan ni Gadon si Sereno sa Department of Justice dahil sa kabiguan umano ng punong mahistrado na magpasa ng Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) sa loob ng 17 taon nang siya ay propesor sa University of the Philippines.

 

Read more...