LOOK: Mga kanseladong flights sa NAIA bunsod ng sama ng panahon at pag-aalburoto ng Mayon

Photo credit: NAIA Facebook page

Kanselado ang ilang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport, araw ng Sabado, January 27, 2018.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang dalawang flights ng Skyjet na M8 816 at 817 biyaheng Maynila papuntang Basco at pabalik, maging ang dalawang flights ng Cebu Pacific na 5J 327 at 328 na biyaheng Maynila patungong Legazpi at pabalik.

Ito ay bunsod ng nararanasang sama ng panahon sa bansa.

Batay sa PAGASA, tail end ng cold front ang sanhi ng tuluy-tuloy na pag-ulan sa Luzon kasama ang Bicol region at Eastern Visayas.

Samantala, kanselado rin ang Cebu Pacific flight na 5J 325 at 326 biyaheng Manila-Legazpi-Manila dahil sa nagpapatuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Read more...