2 patay, 1 nawawala sa tumaob na bangka sa Camarines Norte

Dalawang katao ang patay habang isa naman ang nawawala matapos tumaob ang isang bangka sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte, Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Lolita Aragon, 57-anyos, at Rica Valencia, 24-anyos.

Sa pangunguna ng Philippine Coast Guard katuwang ang lokal na pamahalaan, patuloy ang isinasagawang search and rescue operation para hanapin si Albert Canaria.

Ayon sa pulisya, pauwi na sana ang mga biktima sa kanilang bahay sa Barangay Caringo nang biglang tumaob ang sakay na bangkay dahil sa malalaking alon.

Natagpuan naman ang mga bangkay nina Aragon at Valencia sa baybayin ng Barangay 1 at agad dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Read more...