Sinabi sa ulat ng Cotabato Police Provincial Office na ang biktima ay sina Renato Ortiz, Chairman ng Barangay General Luna sa naturang bayan at ang kasama nitong si Reynaldo Nobleza na residente ng nasabing Barangay.
Sa impormasyon ng pulisya, sakay ng motorsiklo ang dalawang biktima at pauwi na sana ng kanilang barangay nang tambangan sa Sitio Tapulan.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na maaaring pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil nawawala ang sling bag ni Chairman Ortiz na naglalaman ng P100,000 na cash.
Ang nasabing pera ay kinita umano ni Ortiz mula sa pinagbentahan ng kanyang ani.
Si Ortiz ay nagtamo ng walong tama ng bala sa ibat-ibang parte ng katawan habang si Nobleza ay may siyam na tama ng mga bala.