Duterte: China susunod na destinasyon ng mga OFWs

Ikinokonsidera ngayon ng pamahalaan na mag-deploy ng dagdag na manggagawa sa bansang China.

Ito’y sa gitna ng deployment ban ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansang Kuwait.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, kakausapin niya ang China na buksan ang pinto para sa mga manggagawang Pinoy partikular na yung mga ma-aapektuhan ng nasabing ban.

Aminado ang pangulo na nababahala siya sa nasabing desisyon lalo’t kapakanan ng mga manggagawa ang nakasalalay dito maging ang mawawalang oportunidad.

Gayunman, iginiit nito na mas nakababahala ang nararanasan ng ating mga kababayang manggagawa na inaabuso sa bansang Kuwait.

Nauna nang hiniling ng pangulo sa pamahalaan ng Kuwait na irespeto ang karapatan ng mga OFWs sa nasabing bansa makaraan ang mahiwagang pagkamatay ng apat na Pinay workers doon kamakailan.

Read more...