I-ACT, magpapakalat ng mga bus sa mga lugar na apektado ng ‘Tanggal Bulok-Tanggal Usok’

Magkakaroon ng special trips mula sa susunod na linggo ang mga Public Utility Buses (PUB) bilang alternatibong transportasyon sa pag-arangkada ng “Tanggal Bulok Tanggal Usok” (TBTU) campaign.

Inaasahan kasing mas maraming commuter ang maapektuhan habang mahigpit na ipinapatupad naturang kampanya.

Ayon sa Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) kasalukuyan na nilang hinihiling sa Metro Manila Development Authority na suspendihin muna ang number coding scheme para sa mga city buses.

Iginiit ng I-ACT na maraming drivers at operators ng mga jeep ang naglimita sa kanilang biyahe at ang iba ay nagkukumpuni ng kanilang mga sasakyan.

Hinuhuli ang mga jeep na maraming sira at naglalabas ng maitim na usok sa ilalim ng TBTU campaign upang makaagapay ang mga ito sa ‘Jeepney Modernization Program’.

Dadaanan mismo ng mga idedeploy na bus ang mga ruta ng jeep upang masakyan ng mga maaapektuhang pasahero.

Read more...