Joseph Kennedy, sasagutin ang State of the Union Address ni Trump

Inaasahang magiging mainit ang mga kaganapan sa deliberasyon ni US President Donald Trump ng kanyang unang State of the Union Address sa Martes.

Ito ay matapos sabihin ni Massachussetts representative Joseph Kennedy III na ihahayag niya ang magiging tugon ng Democrats sa magiging talumpati ni Trump.

Si Kennedy na sinasabing isang ‘Democratic rising star’ ay nagmula sa pamilya ng mga pulitiko sa Estados Unidos.

Inaasahan ang mariin na pagkontra ni Kennedy at ng kanyang partido sa lalamanin ng Union Address.

Naging maingay ang pangalan ni Kennedy noong nakaraang taon matapos ang kanyang pagtutol sa planong pagtigil sa Obamacare na isang programa ng US na layong mabigyan ng access ang mga mamamayan ng US sa health insurance.

Ayon kay Kennedy, magiging sentro ng kanyang talumpati ang healthcare, economic justice at civil rights at igigiit niya ang mga napakong pangako ni Trump sa mga pamilyang Amerikano.

Ang gagawing ito ng batang Kennedy ay tila pagsunod sa yapak ng kanyang ‘great-uncle’ na si Edward Kennedy na siyang nagpahayag ng opisyal na tugon ng Democrats sa naging Union Address naman ni dating US President Ronald Reagan noong 1982.

Read more...