Duterte, pursigidong puksain ang NPA

Binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kumpanya at organisasyon na sumusuporta sa makakaliwang kilusan na tutugisin niya ang mga ito.

Sa kaniyang pagdating sa Davao mula sa pagbisita sa India, muling inihayag ng pangulo ang kautusan niyang pagpuksa sa mga komunistang rebelde.

Ayon pa sa pangulo, tapos na talaga ang usaping pangkapayapaan sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Dagdag pa ng pangulo, “totodasin” niya ang mga NPA members kung kinakailangan para sa kautusan niyang pagpuksa sa grupo.

Sinabihan rin niya ang mga lumad na niloloko lang sila ng mga rebelde.

Ani pa Duterte, kung talagang matalino si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Joma Sison ay ito dapat ang naging pangulo at hindi siya.

Sinabi pa ni Duterte na nakasusuka na ang mga komunista dahil wala nang ideolohiya ang kanilang ginagawa, lalo’t nangingikil na ang mga ito sa mga mahihirap.

Read more...