Matatandaang ipinasususpinde na ng Ombudsman sina Commissioners Alfredo Non, Gloria Victoria Taruc, Josefina Asirit at Geronimo Sta. Ana dahil sa pagiging “administratively liable for conduct prejudicial to the best interest of the service, aggravated by simple misconduct and simple negligence of duty.”
Maliban sa kanilang apat, pinatawan din ng parusa ng Ombudsman si resigned chairman Vicente Salazar.
Isang taong suspensyon na walang bayad ang ipinataw sa apat, habang dahil wala na sa serbisyo si Salazar, pinatawan na lang siya ng multa na tutumbas sa anim na buwan niyang sweldo na ikakaltas sa kaniyang retirement benefits.
Bagaman apat lang silang pinarusahan ng Ombudsman, bilang isang collegial body ang ERC ay maaapektuhan din dito si Devanadera dahil hindi siya makakakilos sa ahensya nang wala ang mga commissioners.
Una nang iginiit ni Devanadera na maaring magdulot ng mga malawakang black out ang pagsuspinde sa mga commissioners dahil walang mag-aapruba sa mga proyektong dapat ipatupad.
Inilabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang kautusan kay Devanadera noon pang January 19.