Hinihikayat ng Department of Education ang mga estudyante na maagang magpalista para sa susunod na taong panuruan 2018-2019.
Sa ilalim ng DepEd Order No. 25 o School Calendar for School Year 2017-2018 ay itinakda ang maagang pagpaparehistro.
Ngayong araw, January 27, sisimulan ng kagawaran ang ‘early registration’ para sa mga mag-aaral mula kindergarten hanggang high school sa lahat ng pampublikong mga paaralan sa buong bansa.
Magtatagal ang early registration ng isang buwan o hanggang February 28, 2018.
MOST READ
LATEST STORIES