Legazpi Airport, binuksan na

Naglabas na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notice to Airmen (NOTAM) na nag-uutos sa pagbabalik ng operasyon ng mga airport sa Bicol kabilang ang Legazpi Airport epektibo 3:00 hanggang 5:00 ng hapon ngayong araw at 6:00 ng umaga hanggang 5:00 hapon umpisa bukas hanggang January 31, 2018.

Ayon sa CAAP, binuksan nila ang Legazpi, Naga at Masbate Airport base sa umiiral na Visual Meteorological Conditions (VMC) sa paligid ng Mayon Volcano.

Ang VMC ay isang kategorya sa aviation kung saan pinapayagan ang paglipad ng eroplano dahil may sapat na visibility para ito ay paliparin.

Sa kabila nito, nananatiling nasa alert Level 4 ang Mayon at pinapayuhan ng CAAP ang mga piloto na lumilipad malapit sa bulkan na mag-ingat sa abo na ibinubuga nito.

Pinayuhan naman ng CAAP ang mga pasahero na makipaugnayan sa kanilang mga airline para sa mga flight schedule.

Read more...