Naglabas ng kautusan ang ahensya na naglilimita sa bilang ng TNVS na bumabyahe sa buong bansa.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, magiging epektibo ito sa February 3 , Sabado kata sa halip, sa Lunes o February 5 ito ipatutupad.
Paliwanag ni Delgra, tatanggap na sila ng bagong applications para mapunan at makumpleto ang common supply base na kanilang itinakda.
Inilabas ng LTFRB ang Memorandum Circular 2018-03 na nagtakda sa common supply base ng TNVS sa 45,700 units.
Kasama sa bilang na ito ang mga mayroon Certificate of Public Convenience para mag-operate ng TNVS, gayundin ang 13,977 applications.
Magugunitang sinuspinde ng LTFRB ang TNVS applicatioons noong July 21, 2016.