Mga inilikas na residente dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon, mahigit 80,000 na

Twitter Photo | Camsur Official

Umabot na sa 81,618 na mga residente ang inilikas dahil sap ag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 18,365 na pamilya o 69,672 na indibidwal ang nananatili sa nasa 69 na evacuation centers.

Habang 2,822 na pamilya naman o 11,946 na indibidwal ang nakikitira pansamantala sa kanilang mga kaanak.

Umabot na sa mahigit P40 million ang halaga ng naipagkaloob na tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), local government units, at nongovernment organizations sa mga apektadong pamilya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...