6 na senador, nagtungo sa Marawi City

INQUIRER.net Photo | Pathricia Ann Roxas

Nagtungo sa Marawi City ang anim na senador para personal na tignan ang lungsod matapos ang naganap na giyera.

Kabilang sa mga nagtungo sa Marawi sina Senators Juan Miguel Zubiri, Sonny Angara, Risa Hontiveros, Bam Aquino, JV Ejercito at Cynthia Villar.

Ang anim ay nasa Mindanao para dumalo rin sa public hearing sa Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Mindanao State University.

Pinuntahan ng mga senador ang ilang lugar sa lungsod na naging sentro ng giyera.

 

 

 

 

Read more...