Ayon kay Lt. Col. Emmanuel Garcia, hepe ng AFP Public Affairs Office, nagkakaroon na ng demoralisasyon sa hanay ng mga NPA.
Paliwanag ni Garcia, ilan sa mga lider ng NPA ang nagbalik-loob na sa batas dahil umano sa korapsyon na lumalaganap sa loob ng kilusan.
Ayon pa kay Garcia, 188 miyembro ng NPA na ang sumuko sa loob lamang ng tatlong linggo.
52 dito ang sumuko noong January 21 mula sa lalawigan ng Masbate at Sultan Kudarat.
Dagdag pa ni Garcia, ang mass surrender ng mga rebelde ay resulta ng determinadong opensiba ng tropa ng pamahalaan para masugpo na ang pamamayagpag ng NPA terrorists sa bansa.
Patuloy naman umano ang panawagan ng AFP sa iba pang miyembro ng NPA na magbalik-loob na rin sa pamahalaan at tanggapin ang programang pangkapayapaan na isinusulong para sa rebeldeng grupo.