Ayon kay Senator Franklin Drilon, magiging mahalaga ang mga input at magiging resulta ng pag-aaral ng commission na pinangungunahan ni dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno sa magiging report ng senate committee on constitutional amendments.
Magiging importante din umano ang resulta ng pag-aaral ng “Puno Commission” sa magiging krusyal na debate ukol sa Cha-Cha sa plenaryo.
Pero iginiit ni Drilon bagaman maganda ang pagbuo ng consultative committee, ay ipagpatuloy ng senate committee on constitutional amendments ang ikinakasang hearing sa Mindanao, Cebu at Baguio.
Ito ay upang mapakinggan naman ang mga testimonya opinyon at palagay ng mga resource persons ukol sa panukalang Cha-Cha.