Ospital sa South Korea nasunog, 41 ang patay

Photo from Korea International Medical Association

Patay ang 41 katao sa sunog na naganap sa isang ospital sa South Korea.

Tinupok ng apoy ang Sejong Hospital sa Miryang.

Sinasabing nagsimula ang apoy sa emergency room ng ospital na karamihan sa mga pasyente ay nakatatanda.

Aabot umano sa mahigit 100 ang pasyente sa loob ng pagamutan nang maganap ang sunog.

Maliban sa mga nasawi, aabot pa sa 80 ang nasugatan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...