Manay, Davao Oriental, niyanig ng magnitude 3.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bayan ng Manay sa lalawigan ng Davao Oriental.

Naitala ang lindol alas 4:04 ng umaga sa 15 kilometers South ng Manay.

May lalim na 24 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Samantala, alas 2:08 naman ng madaling araw ay niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang Mahayag, Zamboanga Del Sur.

May lalim naman na 13 kilometers ang lindol.

Ayon sa PHIVOLCS kapwa naman hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang magkasunod na pagyanig.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...