Binabantayang LPA ng PAGASA, nalusaw na

Nalusaw na ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa bahagi ng Agusan Del Norte.

Ayon kay PAGASA weather specialist Meno Mendoza, wala nang sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Tanging tail end ng cold front ang umiiral sa eastern section ng Southern Luzon. Habang Northeast monsoon pa rin ang umiiral sa Northern Luzon at Central Luzon.

Dahil sa tail end ng cold front, maaring makaranas ng mga pag-ulan sa na posibleng magdulot ng flashfloods o landslides sa Bicol Region, Samar Provinces at Quezon.

Kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararanasan sa Cagayan Valley Region, Cordillera Administrative Region, at Aurora.

Habang magiging maulap ang papawirin sa Ilocos Region at sa nalalabing bahagi ng Central Luzon na makararanas lang ng isolated na pag-ulan.

Sa Metro Manila, localized thunderstorm lang ang iiral at magiging maliwalas ang panahon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...