Pilipinas ikinukonsiderang bumili ng military equipment sa India

 

Mas paiigtingin ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at India sa usapin ng pagdepensa at seguridad.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpahayag ng pagnanais ang dalawang bansa na labanan ang anumang banta ng terorismo.

Sa naging pag-uusap anya nina Pangulong Rodrigo Duterte at Indian Prime Minister Narendra Modi sa nagaganap na ASEAN – India Commemorative Summit ay ipinagmalaki ng Indian leader ang pagiging eksperto ng kanyang bansa sa military ships at hardware.

Dahil dito, sinabi ni Roque na nagpahayag si Pangulong Duterte na ikukunsidera na ng bansa ang procurement ng mga gamit ng militar sa India bukod sa China at Russia.

Ito ay kasunod ng pahayag ng India na mas palalawigin pa ang pamumuhunan sa bansa sa kanilang aabot sa $1.25 bilyong investment pledges.

Sinabi ni Modi handa rin ang kanyang bansa na tulungan ang Pilipinas sa banta ng pamimirata sa Indo-Pacific navigation route.

Read more...