Ang pahayag ni Trump ay matapos na tumangging makipagpulong ng Palestine kay Vice President Mike Pence nang bumisita ito sa bansa kamakailan.
Ayon kay Trump, nagmistulang pambabastos ang ginawa ng Palestine sa Amerika nang hindi nito binigyang-pansin ang pagbisita doon ni Vice President Pence.
Matatandaang una nang idineklara ni Trump na kikilalanin na ng Amerika ang Jerusalem bilang kabisera ng Israel at binabalak na ilipat ang embahada nito doon.
Gayunman, mariin itong kinondena ng Palestine at ng marami pang Arab leaders.
Dahil dito, nagkaroon ng sunud-sunod na protesta sa panig ng mga Palestino at Muslim ang deklarasyong ito ni Trump.
Nais sana ni Trump na simulan nang muli ang peace negotiations sa pagitan ng dalawang bansa at ang Amerika ang magsisilbing ‘broker’ ng peace deal.