Ito ang dahilan kung kaya’t simbolikong iniurong ng mga siyentipikong kasapi ng Bulletin of Atomic Scientists ang orasan ng karagdagang tatlompung segundo ang ‘Doomsday Clock’.
Mula sa oras na 11:57:30, ito ay nasa oras na 11:58 na o ‘two minutes to midnight’ upang ipakita ang paglapit ng panahon na magugunaw ang mundo dahil sa kapabayaan ng tao.
Ang ‘Doomsday Clock’ ang ginagamit na simbolo ng mga eksperto at siyentipiko upang iparating sa publiko ang panganib na magunaw ang mundo dahil sa banta ng nuclear holocaust.
Huling inilagay sa kaparehong oras ang ‘Doomsday Clock’ noong 1953 nang simulan ng Amerika at Soviet Union ang nuclear arms race sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa hydrogen bomb.
Ayon kay Rachel Bronson, pangulo at CEO ng Bulletin of Atomic Scientists, ang ginagawang ballistic nuclear tests ng North Korea at ang mga maaanghang na tugon ni Trump sa usapin ang nagpapalapit sa panahon ng katapusan ng mundo.
Payo ng mga siyentipiko, maging mahinahon si Trump sa pagtugon sa nuclear tests ng North Korea at agad na simulan ang dayalogo upang mabawasan ang tensyon.
Unang itinaguyod ang ‘Doomsday Clock’ noong 1947 ng mga siyentipiko at eksperto na tumulong sa pagbuo ng mga kauna-unahang atomic weapons ng Amerika.
Noong 2016, inilagay ng mga eksperto sa two-and-a half minutes to midnight ang oras ng Doomsday Clock makaraang mahalal sa puwesto si trump bilang pangulo ng Estados Unidos.