Ayon sa military sources na sa katunayan, nagpahayag ang grupo ng kanilang hangarin na makipagtulungan sa pamahalaan sa pagpuksa sa teroristang grupo sa oras na matapos ang usapin ng magkabilang panig patungkol sa isyu ng patuloy na pagpuno ng 7,500 MNLF integrees sa regular force ng Armed Forces of the Philippines.
Sa naturang pagtitipon kung saan nagsilbing moderator si Professor Sammy Adjo, natalakay rin ang mga isyu ng usaping pangkapayapaan sa Mindanao sa pagitan ng MNLF at GRP, pati na rin ang patuloy na banta ng grupong ASG.
Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon kung saan inanyayahan ang mga dati at kasalukuyang MNLF members mula sa iba’t ibang munisipyo ng Sulu, pati na rin ang mga AFP integrees, ay ang mga kasalukuyang MNLF field commanders na sina Ustadz Yacob, Tahil Sali at Rindiyong.